Ang Asya ay ang isa sa mga lupalop ng mundo. Ang Asya ang may pinakamalaking bahagdan ng populasyon at sa lawak, sapagkat sakop nito ang 1/3 ng mundo. Sa kanluran ng Asya matatagpuan ang lupalop ng Europa; sa timog-silangan at silangan ang Australia at Oceania; sa timog-kanluran naman banda ang Aprika. HEOGRAPIYA
Ang Asya ang pinakamalaki na kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang na ikatlong bahagi ng mundo. May sukat itong 49,694,700 milya kuwadrado (mi2). Ito ay nahihiwalay sa Europa sa pamamagitan ng isang makinaryang libu-libong linya ang dumadaan buhat sa Bundok Ural patungong Dagat Caspian, Bulubundukin ng Caucasus at sa Dagat Itim (Black Sea). Ang hangganang naghahati saAfrica at Asya ay ang Suez Canal at ang hangganan sa pagitan ng Hilagang Amerika At Asya ay ang Bering Strait. Sa hilaga ng Asya ay ang Karagatang Artiko at sa timog nito, ang Karagatang Indian. Ang Karagatang Pasipiko ang nasa silangan ng Asya at sa kanluran nito matatagpuan ang Bundok Ural, Dagat Caspian, Dagat Itim at Dagat Egeo.
Ang kontinenteng ito ay ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo at tinaguriang isa sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at paniniwala ng mga tao sa daigdig nating ito.Ilan sa mga kilalang kabihasnan na nagmula dito sa Asya ay angkabihasnang Tsina, India, Mesopotamia, Persia at kabihasnang Armaiko na may dalawang sangay-ang Israel at arabo. Sa Asya rin matatagpuan ang Karagatang Indian, Dagat Timog Tsina (ang pinakamalaking dagat sa mundo), Karagatang Pasipiko at Karagatang Artiko. Ang Europa ang kadikit nitong continente na pinaghiwalay lang ng mga hangganan ng kabundukan ng URAL, Dagat ng caspian,Itim na dagat at ng kabundukan ng Cawkasus. Ang Suez Canal naman ang siyang hangganan nito bago dumating sa bansang Ehipto ng kontinenteng Aprika. Sa dami ng mga pangkat ng lahi ng mga tao, ang Asya pa rin ang nangunguna at patuloy na yumayabong sa paglabas nito patungo sa iba pang mga bansa at pagdagsa din dito ng mga ibang lahi ng tao mula sa kontinente ng Europa, Amerika at Afrika.
Ang kasaysayan ng mundo, sa popular na salita, ay ang kasaysayan ng tao, mula sa paglitaw ng Homo sapiens hanggang sa kasalukuyan. Kung kaya't tinatawag din itong kasaysayan ng tao okasaysayang pantao, na sa madaling sabi ay ang kasaysayan ng tao magmula sa pinaka maagang mga kapanahunan hanggang sa kasalukuyan, sa lahat ng mga pook sa ibabaw ngMundo, na nagsisimula sa Panahong Paleolitiko. Hindi kasama rito ang hindi pantaong likas na kasaysayan at kasaysayang heolohikal, maliban na lamang dahil sa may kahalagahan ang pagkaapekto ng likas na mundo sa buhay ng mga tao. Kabilang sa kasaysayan ng mundo ang pag-aaral ng nakasulat ng mga tala o rekord, magmula sinaunang panahon pasulong, pati ang karagdagang kaalamang nakamit magmula sa iba pang mga mapagkukunan, katulad ngarkeolohiya. Ang sinaunang naitalang kasaysayan ay nagsisimula sa pagkaimbento, na hiwa-hiwalay ang pagsisimula sa ilang mga lugar sa Mundo, ng pagsusulat, na lumikha saimprastraktura (saligan at pamamamaraan) para sa nagtatagal at tumpak na paglilipat o transmisyon ng mga alaala, at sa ganitong paraan pati na ang pagpapakalat at paglaki ng kaalaman.[2][3] Subalit, ang mga ugat ng kabihasnan ay umaabot na pabalik sa kapanahunan bago pa ang pagsusulat — ang prehistorya (panahon bago ang nakasulat na kasaysayan) ng sangkatauhan.
Ang prehistorya ng tao ay nagsimula noong Panahong Paleolitiko, o "Maagang Panahon ng Bato". Sa paglaon, noong Panahong Neolitiko (Bagong Panahon ng Bato), dumating ang Rebolusyong Pang-agrikultura (sa pagitan ng 8000 at 5000 BCE) sa Matabang Gasuklay, kung saan unang nagsimula ang mga tao ng masistemang pagsasaka ng mga halaman at pag-aalaga ng mga hayop. Lumaganap ang agrikultura sa kanugnog na mga rehiyon at umunlad na mag-isa sa iba pang mga lugar, hanggang sa ang mga tao ay naninirahan na bilang mga magsasaka sa pamalagiang mga maliliit na mga pamayanan.Ang kaukol na seguridad at tumaas na produktibidad na nailapat ng pagsasaka ay nagpahintulot sa mga pamayanan upang kumalat. Lumaki sila na anging lalong tumataas na mas malalaking mga yunit na kaalinsabayan ng ebolusyon ng mas mabisa pang mga pamamaraan ng transportasyon.
Ang sobrang mga pagkain ay nakapagdulot ng paghahati ng mga gawain, ng pagkakaroon ng mga taong nasa mataas na uri ng lipunan, at ang pagkakaroon at pag-unlad ng mga lungsod at kasama nito ang kabihasnan. Ang lumalaking kasalimuotan ng mga lipunan ng tao ay nangailangan ng mga sitema ng pagkukuwenta, na humantong sa pagsusulat.
Nagkaroon ng mga kabihasnan sa mga pampang ng mga katawan ng sariwang tubig (mga lawa at mga ilog) na nakapagbibigay ng buhay. Sa pagsapit ng 3000 BCE, nagsimula sila sa Mesopotamia(ang "lupain na nasa pagitan ng mga Ilog Euphrates at Tigris) ng Gitnang Silangan, sa mga pampang ng Ilog Nilo ng Ehipto, at sa lambak ng Ilog Indus. Ang kahalintulad na mga sibilisasyon ay maaaring nagsimula at umunlad sa kahabaan ng mga ilog sa Tsina, subalit ang katunayang pang-arkeolohiya para sa malawig na pagtatatag na urbano ay hindi gaanong matiyak.
Sa ibang mga bahagi ng mundo, katulad ng sinaunang Silangang Malapit, sinaunang Tsina,at sinaunang India, magkakaiba ang paglaladlad ng mga pangkasaysayang mga guhit ng kapanahunan. Subalit, sa pagsapit ng ika-18 daantaon, dahil sa malaganap na pandaigdigang kalakalan at kolonisasyon, ang kasaysayan ng karamihan sa mga kabihasnan ng mundo ay naging mahigpit ang pagkakatali sa bawat isa. Sa loob ng huling ikaapat na bahagi ng milenyo, tumulin ang paglaki ng kaalaman, teknolohiya, komersiyo, at ng potensiyal na pagiging mapangwasak ng digmaan, na lumikha ng mga pagkakataon at panganib na kasalukuyang humaharap sa mga pamayanan ng tao na naninirahan sa mundo.